General Santos City – Isang miyembro ng Faisal Criminal Group ang nasakote sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Lansong, Brgy. Tambler, General Santos City nito lamang ika-23 ng Disyembre 2023.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bartoloy”, nasa wastong gulang,miyembro ng nasabing grupo, at itinuturing na Top 10 City Most Wanted Person.
Sa ulat ng General Santos City Police Station 5, bandang 8:50 ng gabi nang inaresto si Bartoloy sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na may rekomendadong piyansa na aabot sa Php120,000.
Patuloy ang GenSan PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.