Sultan Kudarat — Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad kasabay na pagdiriwang ng ika-55 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Kalamansig Municipal Police Station, Brgy. Pobalcion, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Disyembre 26, 2023.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Doria”, dating miyembro mula sa Platoon Dos, Daguma ng Far Southern Mindanao Region.

Patunay ang paghina ng grupong NPA bunsod ng walang humpay na kampanya ng gobyerno upang tuldukan ang insurhensya at terorismo sa ating bayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *