Sultan Kudarat – Isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF – Karialan Faction ang sumuko sa Sultan Kudarat PNP, Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat bandang 11:00 ng umaga nito lamang Enero 5, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Brando”, 33, walang asawa, magsasaka, at residente ng Brgy. Dalgan, Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Napag-alaman na isinuko rin nito ang kanyang armas na isang yunit ng 9mm UZI pistol na may kasamang magazine at granada.
“Nais ko na pong magbagong buhay. Nakikita ko po ang panibagong buhay ng mga dating po naming kasamahan na una ng nagbalik-loob sa gobyerno na mas tahimik at mas maayos na ang kanilang pamumuhay” saad ni Brando.