General Santos City – Kinumpirma ni GenSan City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao na aabot sa 60 Yellow Plate Tricycle Drivers ang makakatanggap ng kabuhayan starter kits na itinurn-over ng DOLE General Santos City Field Office sa LGU-GenSan kahapon Enero 8, 2024.
Ang turn-over ceremony ay ginanap sa Oval Gymnasium, General Santos City sa pangunguna nina DOLE XII Regional Director Joel Gonzales, GSCFO Head Ms. Fatima Bataga, at Mayor Pacquiao.
Sa ilalaim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ay matagumpay na naisakatuparan ang proyekto na may kabuuang halaga na Php994,830.
Ang mga matatanggap na Kabuhayan Starter Kit mula sa transport sector sa lungsod ay kanilang magagamit para sa kanilang mga ipapatayong negosyo gaya ng Retail of Motorcycle Parts and Services.