Sultan Kudarat – Arestado ang isang lolo ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat nito lamang Enero 8, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Pakay”, 70 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Paitan, Esperanza, Sultan Kudarat.
Sa bisa ng Warrant of Arrest ay hinuli ang suspek para sa kasong Rape na walang rekomendadong piyansa at Act of Lasciviousness.
Sa tulong ng mamamayan ay napapanatili ng PNP ang isang tahimik at maunlad na bansa tungo sa pagkamit ng kaunlaran.