General Santos City – Lider ng Salas Criminal Group at tinuturing na Top 1 Most Wanted Persons sa Rehiyong 12 nasakote ng mga awtoridad sa Tonsuya, Malabon City nito lamang Enero 8, 2024.
Kinilala ang nahuling suspek si alyas “Estong/Jem/Erning”, 48-anyos, at lider ng Salas Criminal Group at miyembro ng Faisal Criminal Group, tubong Misamis Occidental at kasalukuyang naninirahan sa Tonsuya, Malabon City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant kaugnay sa patong-pato na kasong kinakaharap nito gaya ng Murder, Double Murder, Attempted Murder.
Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.