Central Mindanao- Patuloy ang operasyon ng Philippine Army upang mapanatiling mapayapa at ligtas ang Mindanao at naitalang umabot ng 535 katao ang nasawi sa hanay ng iba’t ibang Lawless Armed Groups (LAGs) sa taong 2023.
Ayon kay MGen Alex Rillera, 6th Infantry Division, Joint Task Force Central Commander, ang mga namatay ay kabilang sa hanay ng communist groups, BIFF, Daulah Islamiyah, at iba pang lawless elements.
Matagumpay na naisakatuparan ang kanilang hangarin na mapanatiling ligtas at tahimik ang nagdaang taon sa tulong ng mga Local Government Units, stakeholders, at mga sibilyan na galing sa kanilang area of responsibilities (AORs).
Kabilang sa mga nasawi ay ang mga
opisyal ng komunistang grupo na sila Martin Min Fay alyas “Kidlat”, Rowe Libot, Algae Dalimbang alyas “Agpol”, Arnold Laugo Amad, Joseph Longan alyas “Michael”, Saliki Matilak alyas “Ingkanga”, Rey Masot Zambrano alyas “Dodong”, at iba pang matataas na opisyal ng lokal na mga teroristang grupo.
Ang Joint Tasked Force Central ay nagsagawa ng 38 operasyon kung saan 57 na indibidwal ang namatay samantalang 22 ang sugatan. Nasa 262 katao ang nagsurrender at 194 ang natimbog sa iba’t ibang operasyon kasali na ang may mga warrant of arrest.
Nakumpiska ng Philippine Army ang 363 na mga baril, 207 na IED/UXO, at iba pang kagamitan para paggawa ng bomba.
Sinira din ng Philippine Army ang 37 na kampo ng mga terorista na matatagpuan sa iba’t- ibang bahagi ng Mindanao.
Sa patuloy na pagsusumikap ng Philippine Army kasangga ang PNP at iba pang law enforcement agencies na sugpuin ang mga armadong grupo sa kanilang nasasakupan ay humihingi ng kooperasyon at suporta sa publiko upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Mindanao.
Source: 6th Infantry “Kampilan” Division, Philippine Army