Tinalakay ang cybercrime awareness na pinangunahan ng mga kapulisan na dinaluhan ng mga kabataan at magulang na ginanap sa Barangay Salacafe, T’boli, South Cotabato nito lamang ika-27 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng T’boli, South Cotabato ang pagbibigay ng mga awareness sa mga dumalo sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Richard F Buletic, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon.

Tinalakay sa mga dumalo ang iba’t ibang uri ng cybercrime tulad ng phishing, hacking, online scams, cyberbullying, at identity theft.

Tinalakay din ang mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasang maging biktima ng mga ganitong krimen.

Layunin ng awareness na ito na pataasin ang kanilang kaalaman at kamalayan hinggil sa ganitong uri ng krimen at maturuan paano protektahan ang kanilang sarili online.

Hinihikayat din na maging responsable sa paggamit ng social media at maging mapanuri online.

Sa huli, isang paalala ang iniwan ng T’boli PNP sa kanila na “Think before you Click”.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *