Isinagawa ang Two-Hour Sensitivity Awareness Seminar bilang bahagi ng paggunita sa National Disability Rights Week at selebrasyon ng 30th Police Community Relations Month na ginanap sa Iranun Palace, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Parang Municipal Persons with Disability Affairs Office katuwang ang PDAO League of Maguindanao del Norte, at dinaluhan ng mga pulis mula sa iba’t ibang Municipal Police Stations, mga kawani ng Police Community Affairs and Development Unit, at iba pang kasapi ng Maguindanao del Norte PPO.

Layunin ng seminar na palalimin ang kaalaman at kamalayan ng mga kapulisan ukol sa disability-inclusive policing, at mapalakas ang sensitibong pakikitungo sa mga Persons with Disabilities.
Ang aktibidad ay nagsilbing paalala na ang tunay na serbisyo ay walang pinipiling sektor—lahat ay pantay-pantay sa mata ng batas.
