Narekober ang tinatayang P1,995,186.00 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Kapitasan, Barangay Bucana, Siocon, Zamboanga del Norte nito lamang Hulyo 28, 2025.
Napag-alaman na narekober ang mga puslit na yosi mula sa isang inabandonang green na bangka ang 12 master cases ng Astro White,16 master cases ng Astro Red, 4 master cases ng Cannon, 1 master case ng Berlin, 46 reams ng Astro White, 45 reams ng Cannon na may halagang aabot sa P1,995,186.00.
Ang PNP ay solido sa adhikain na tuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad na nakaka-apekto ng kalusugan ng mamamayan at hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.


