Isinagawa ang isang Medical Outreach Program sa Barangay Mother Bagua, Cotabato City nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.
Ito ay pinangunahan ni BTA BARMM Member of The Parliament Romeo Sema, katuwang ang Ministry of Health (MOH BARMM), Cotabato City Health, 6th Infantry Division at mga volunteer doctors upang makapag bigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng nasabing barangay.
Kabilang sa mga serbisyong handog ay ang libreng gamot, libreng gupit, libreng eyeglasses, libreng medical consultation, libreng saklay at libreng wheelchair.
Ito na ang pang siyam na barangay sa lungsod ang tinungo ni MP Romeo Sema, para sa Medical Outreach Program at inaasahan na magtutuloy pa ito sa susunod na mga araw para sa bantay kalusugan sa kanyang nasasakupan.


