Nasakote ang isang magsasaka sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkaka-rekober ng bala at mga baril nito lamang Hulyo 26, 2025 bandang 6:00 ng umaga sa Barangay Impao, Isulan, Sultan Kudarat.
Kinilala ang suspek na si alyas “Sansaluna”, 60 anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.
Nakumpiska sa suspek ang isang unit ng 12-gauge shotgun rifle na walang serial number, isang unit ng caliber .38 revolver, walang serial number, tatlong piraso ng 12-gauge live ammunition, tatlong piraso ng caliber .38 live ammunition, na nakalagay sa loob ng silindro ng revolver.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan at kapayapaan ng ating pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
