Matagumpay na naisagawa ang Advocacy Awareness on Fire Hazards and Basic Life Support Training sa GERAS Integrated School, Isabela de Basilan nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ng Isabela City Police Station sa pamumuno ni Police Major Kuhutan H Imlani, Officer-In-Charge, katuwang ang Isabela City Fire Station, City Disaster Risk Reduction and Management Office at ang mga guro sa nasabing paaralan.

Kabilang sa mga kaalaman at kasanayan na ipinabatid sa mga nakilahok sa aktibidad ay ang patungkol sa mga mahahalagang life-saving techniques, agarang pagtugon sa mga emergency, at basic fire safety awareness.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng “Advocacy Awareness on Fire Hazards and Life-Saving Techniques” na programa ng Isabela City PNP.

Bahagi rin ito ng nagpapatuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Isabela de Basilan na itaguyod ang disaster resilience at edukasyong pangkaligtasan sa hanay ng mga kabataan.

Layunin ng aktibidad na itaas ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa anumang uri ng emergency at mga insidenteng may kaugnayan sa sunog.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *