Isinagawa ang blood pressure monitoring para sa mga Person Under Police Custody (PUPCs) sa City Hall Complex, Gatas District Pagadian City nito lamang ika-28 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Police Captain Virginie P. Bartiana, Hepe ng City Community Affairs and Development (CCAD) ng Pagadian City Police Station, ang pagsasagawa ng naturang Blood Pressure Check.

Isa ito sa mga hakbang ng Pagadian PNP upang mapanatili at patuloy na masuri ang kalusugan ng mga PUPCs na may layunin na mapakita ang malasakit sa karapatang pantao at kalusugan ng bawat indibidwal sa kanilang pangangalaga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *