Nag-uwi ng kabuuang 23 medalya ang mga atleta mula sa Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) sa kanilang matagumpay na pagsabak sa 2025 SMART/MVP SF Mindanao Kyorugi and Poomsae Taekwondo Championship na ginanap sa South Cotabato Gym and Cultural Center.

Nasungkit ng mga atleta ang pito (7) gintong medalya, siyam (9) na pilak, at pito (7) tansong medalya mula sa iba’t ibang weight division ng kompetisyon.

Ayon kay Sophia Ledesma, kampeon sa Kyorugi Lightweight Division, mahalaga para sa kanila na makilala ang kanilang tagumpay bilang bunga ng kanilang pagsusumikap at dedikasyon.

Dagdag pa ni Ledesma, ang kanilang tagumpay ay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi isang karangalan para sa lalawigan, na nagpapakita ng husay at talento ng mga kabataan sa Misamis Oriental.

Hinimok rin nito ang mga kabataan na makibahagi sa sports tulad ng taekwondo upang malayo sa masasamang bisyo at mailayo sa kapahamakan ang kanilang kinabukasan.

Ang matagumpay na kampanya ng mga atleta ay patunay ng patuloy na suporta ng administrasyon ni Governor Juliette Uy, sa sektor ng kabataan, sa layuning mabigyan ng mas maliwanag at maayos na kinabukasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *