Puspusan ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Cagayan de Oro City para sa nalalapit na pagbubukas ng Higalaay Festival sa darating na Agosto 8, 2025.

Ang Higalaay Festival 2025 ay ang buwanang pagdiriwang ng kapistahan ni Senyor San Agustin, ang patron ng lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayun sa isinagawang pulong-pulong, ang Festival ay magtatampok ng iba’t ibang aktibidad tulad ng Fiesta sa Kaumahan: Agro-Fair & Garden Show, International Kagay-an Dragon Boat Race, Fiesta sa Barrio, 14th Mindanao Fashion Summit, Miss Cagayan de Oro 2025, Kagay-an Festival Marathon, Higalaay Festival Pyromusical Competition, DepEd PE Rhythmic Dance Competition, Higalaay Street Dancing Competition, Higalaay Civic Military Parade & Float Competition, at Religious & Fluvial Procession.

Ang Higalaay Festival ay bahagi ng 75th Diamond Jubilee ng pagkakatatag ng lungsod, na may temang “Mapasigarbuhon sa Kagikan, Madasigon sa mga damgo”.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *