Narekober ang tinatayang P12.5 milyong halaga ng puslit na yosi na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong katao sa ikinasang checkpoint operation ng mga awtoridad sa Barangay Tubig Putih, Luuk, Sulu nito lamang Miyerkules, Hulyo 30, 2025.

Sa ulat mula sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region, naharang ang tatlong sasakyan na minamaneho ng mga suspek.

Sa isinagawang inspeksyon, tumambad ang 233 master cases ng puslit na yosi na may tinatayang halagang P12.5 milyon, isang kalibre .45 na baril, tatlong magasin, at 21 bala.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Jaysen De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang mabilis at epektibong aksyon ng mga operatiba. “This successful operation is a demonstration of PRO BAR’s unwavering commitment to combating smuggling and upholding the law. This accomplishment showcases the effectiveness of our joint operations and PRO BAR’s determination to protect the community from the harmful effects of smuggling.”

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *