Tiklo ang dalawang inidibwal at nasabat ang P1.3 milyong halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang Hulyo 31, 2025.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rods,” 38 anyos mula Zamboanga City, at “Rico,” 29 anyos, residente naman ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
Nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang 35 master cases ng Canon Menthol at Green Hill brand menthol at 87 reams ng Green Hill brand menthol na nagkakahalaga ng P1,300,000.00.
Patuloy pa rin ang malalim na imbestigasyon ng PNP para mapanagot ang nasa likod ng pagpuslit ng naturang yosi.
