Nasakote ang isang magsasaka sa baril at mga bala sa ikinasang search warrant operation ng mga awtoridad nito lamang Huwebes, Hulyo 31, 2025 sa Purok 3, Sitio Lowao, Barangay Sarawagan, Godod, Zamboanga del Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rene” magsasaka, binata, may live-in partner, at residente ng nasabing lugar.

Narekober mula sa pagmamay-ari ng suspek ang isang unit ng Colt MKIV .45 caliber pistol na may serial number 623790; limang piraso ng .45 caliber live ammunition at isang itim na sling bag.

Solido ang PNP sa pagpapatupad ng batas tungo sa isang maunlad at maayos na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *