Naglabas ng travel advisory ang Department of Public Works and Highways Regional Office-9 (DPWH-9) sa publiko at sa mga motoristang dumadaan sa Liloy-Siocon Road na hindi madadaanan ang nasabing ruta, partikular na ang bahagi ng Sitio Tugbongon, Barangay Diculom sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte nito lamang Miyerkules, ika-30 ng Hulyo 2025.

Ito’y dahil sa nangyaring malawakang pagbagsak at pagguho ng lupa, sobrang maputik at madulas ang nasabing daan.

Ang pagkasira ng kalsada ay sanhi ng pagbuso-bugsong malakas na ulan dulot ng hanging habagat at mga nagdaang bagyo.

Ayon sa travel advisory ng DPWH-9, may limitadong access ang mga motorsiklo sa nasabing kalsada, subalit napakapeligroso sa buhay ng mga motorista. Kaya payo ng DPWH sa mga manlalakbay at gustong dumaan sa nabanggit na ruta na mag-ingat at ang DPWH Zamboanga del Norte 4th District Engineering Office ay ginagawan ng paraan na maalis ang mga punong natumba at nakaharang sa kalsada, maalis ang mga lupang tumambak at makukumpuni ang mga nasirang bahagi ng kalsada.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *