Matatagpuan ang White Island sa hilagang bahagi ng Camiguin, isang natatanging sandbar na kilala sa mala-pulbos na puting buhangin at napakalinaw na tubig-dagat.
Ito ay walang anumang istruktura, puno, o bahay, puro buhangin lamang na tila lumulutang sa gitna ng dagat.
Ang tanawin mula sa White Island ay kamangha-mangha. matatanaw mo ang Mt. Hibok-Hibok at ang luntiang kagubatan ng isla ng Camiguin.
Mainam itong puntahan tuwing umaga o hapon upang maiwasan ang matinding init ng araw, at para masilayan rin ang pagsikat o paglubog ng araw.
Bagamat walang permanenteng istruktura sa isla, pinapayagan ang mga turista na magtayo ng pansamantalang payong o tent. Pinapaalalahanan din ang mga bisita na magdala ng sariling pagkain at inumin, at higit sa lahat, linisin ang sariling kalat upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng lugar.
Sa kabuuan, ang White Island ay isang perpektong lugar para sa mga naghahanap ng katahimikan, natural na ganda, at simpleng kasiyahan sa dagat.
Isa ito sa mga kayamanang likas ng Northern Mindanao na tunay na dapat pangalagaan at ipagmalaki.