Isinagawa ang isang fun run bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-55th na Araw ng Sto. Tomas sa lalawigan ng Davao del Norte into lamang Agosto 2, 2025.
Pinangunahan ni Police Major Eduardo J Corpuz, Officer-In-Charge ng Santo Tomas Municipal Police Station, ang hanay ng pulisya na buong sigasig na sumama sa Fun Run Activity.
Hindi lamang ito basta simpleng takbuhan—ito’y simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad.
Sa aktibong pakikibahagi sa Fun Run, muling pinatunayan ng kapulisan na hindi lamang tagapagtanggol ng batas, kundi tunay na kaagapay ng komunidad sa pagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at kapayapaan.
