Nagsama-sama ang mahigit 480 na mga Child Development Workers (CDWs) mula sa buong lalawigan ng Davao de Oro upang gunitain ang Provincial Child Development Workers Day noong Hulyo 31, 2025 sa Ritz Hotel, Davao City.
Ang taunang selebrasyon ay may temang, “Child Development Workers sa Bagong Pilipinas: Mapagkalinga, Makabayan at Makabata,” na sumasalamin sa dedikasyon ng mga CDWs sa pagtulong sa maagang pag-unlad ng mga kabataan sa bansa.
Kasama sa mga dumalo ang mga Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDOs) at iba pang mga katuwang sa pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) programs.
Buong sigla at pagmamalaki, kinatawan ng lahat ng 11 munisipyo ng probinsya ang lumahok sa okasyon bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga CDWs sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata.
Sa pagdiriwang, binigyang-diin ang kahalagahan ng mga child development workers bilang mga tunay na tagapangalaga at tagapagtanggol ng karapatan ng mga bata.
Hinimok ang lahat na patuloy na suportahan at palakasin ang mga programang pangkabataan upang matiyak ang isang mas maliwanag at makataong bukas para sa susunod na henerasyon.
