Narekober ang tinatayang P1,935,000.00 halaga ng puslit na yosi at siyam na suspek ang timbog sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Pinantao, Parang at Brgy. Sugod, Matanog, Maguindanao del Norte nito lamang Agosto 1, 2025.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang tanggapan ng Parang PNP at agad na ikinasa ang operasyon.
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga operatiba at mga suspek at na-corner ang mga ito at narekober ang 129 kahon ng puslit na yosi na tinatayang nagkakahalaga ng P1.935,000, isang M16-A1 rifle na may isang magasin at 17 bala ng 5.56mm, isang cal.45 pistol na may isang magasin at pitong bala, isang brown Toyota Innova, isang multicab, at isang white elf truck.
Solido ang PNP sa kampanya sa smuggling upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kaunlaran sa pamayanan.