Nasakote ang tinaguriang Top 10 Most Wanted Person ng Region 12 sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Weltan Compound, Rico Subdivision, Falcatnan, Brgy. Tetuan, Zamboanga City nito lamang Agosto 1, 2025.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ed”, 44 anyos, may asawa, at residente ng San Roque Labangal, General Santos City.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Solido ang PNP sa kampanya na tugisin ang mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *