si Regional Director Maria Loisella E. Lucino ng DILG Caraga bilang panauhing pandangal sa culmination ceremony ng ika-30th Police Community Relations (PCR) Month Celebration na ginanap sa Camp Col Rafael C. Rodriguez sa Libertad, Butuan City nito lamang ika-31 ng Hulyo 2025.

Ito ay may temang “Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka,” na binigyang-diin ni RD Lucino, ang mahalagang papel ng kapulisan sa pagsasakatuparan ng agenda ng ‘Bagong Pilipinas.’

Ang PNP ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi katuwang din sa pagbubuo ng isang matatag na bansa.

Idinagdag pa nito na ang mga programa gaya ng barangay peacekeeping efforts at kampanya kontra iligal na droga ay naging matagumpay dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan at kung kaya ay napakahalaga ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad.

Binigyang-diin rin nito na aktibong nakikibahagi ang DILG sa pagkamit ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagsiguro na sumusunod ang mga lokal na pamahalaan sa mga programa laban sa kriminalidad, iligal na droga, at sa pagpapalaganap ng kaayusan.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si RD Lucino sa DILG, PNP, mga LGU, at sa buong komunidad na magkaisa upang makamit ang layunin ng Bagong Pilipinas, isang bansa kung saan ang bawat Pilipino ay ligtas, may dignidad, at may kapangyarihang makilahok sa pag-unlad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *