Pormal nang binuksan ng Lokal na Pamahalaan ng Buenavista, Agusan del Norte ang isang Agribusiness Kadiwa Center na nagkakahalaga ng โ‚ฑ5 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) na ginanap sa Felix Manalo Street, Barangay 2, sa nasabing bayan nito lamang ika-30 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ang seremonya ng DA Caraga Regional Executive Director Arlan M. Mangelen at Buenavista Municipal Mayor Joselito Robles, kasama ang mga opisyal ng LGU at mga kinatawan mula sa DA-Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD).

Ang Buenas Agribusiness Kadiwa Center ay magsisilbing sentro ng agrinegosyo para sa mga magsasaka ng Buenavista.

Ito ang magiging agri-hub ng 25 na barangay kung saan maaaring ilagay at ibenta ng mga lokal na magsasaka ang kanilang ani gaya ng gulay, prutas, palay, at mga produktong pinagyaman mula sa agrikultura at pangisdaan.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Joselito Roble sa Department of Agriculture para sa proyekto.

Ayon sa kanya, malaki ang maitutulong ng pasilidad upang mapalapit ang pagkain sa komunidad at madagdagan ang kita ng mga magsasaka.

Ang operasyon ng Buenas Kadiwa Center ay pamamahalaan ng Municipal Agriculture Office (MAO) na may buong responsibilidad sa pangangasiwa at pagpapanatili ng tagumpay ng proyekto.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *