Idinaos ang stakeholder’s forum para sa itatayong Panabo City College bilang bahagi ng pagsisikap na mapalawak ang serbisyong pang-edukasyon sa lungsod ng Lokal na Pamahalaan ng Panabo noong Agosto 4, 2025 sa PGEMPC Function Annex, Panabo City, Davao del Sur.
Dinaluhan ang forum ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang national agencies, mga institusyong pang-edukasyon, sektor ng negosyo at paggawa, mga lider ng barangay, at mga kinatawan ng katutubong pamayanan.
Layunin ng pagtitipon na magkaroon ng bukas na diskusyon ukol sa plano ng lungsod na makapagtayo ng isang abot-kayang, dekalidad, at inklusibong kolehiyo na tumutugon sa aktwal na pangangailangan ng komunidad.
Ang planong pagtatayo ng Panabo City College ay isa sa mga pangunahing hakbang ng lungsod upang mapalawak ang access sa mas mataas na edukasyon at maitaguyod ang pag-unlad ng lokal na kabataan at komunidad.

