Idinaos ang People’s Day sa pangunguna ni Mayor Klarex Uy sa City Tourism Hall, Cagayan de Oro City nito lamang ika-6 ng Agosto 2025.

Umabot sa 1,892 ka-tao ang dumalo na galing sa iba’t ibang barangay sa nasabing lugar upang makiisa sa isinagawang aktibidad.

Kabilang sa aktibidad ang libreng wheelchair, champorado, cash assistance, job application support at iba pa.

“Personal kong haharapin, pakikinggan at aaksyunan ang iba’t ibang reklamo o problemang idinulot sa akin ng ilang tao sa People’s Day sa City Hall”, ayon kay Mayor Klarex Uy.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay daan para sa mga mamamayan ng Cagayan de Oro na maipahayag ang kanilang mga alalahanin at reklamo nang direkta sa alkalde.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *