Matagumpay na isinagawa ang Fun Run Activity na nagsimula sa Kiosko Kagawasan, Divisoria, Cagayan de Oro City nito lamang Agosto 16, 2025.
Ang naturang aktibidad ay sinalihan ng mga doktor, medical personnel ng JR Borja General Hospital at iba pang mga kalahok mula sa nasabing lungsod.
Sa temang “Together in Care, United in Service,” layunin ng Fun Run na isulong ang pisikal at mental na kalusugan, gayundin ang pagpapalakas ng samahan at pagkakaisa sa hanay ng mga healthcare workers at partners.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng anibersaryo ng JRBGH, na nagbibigay-diin sa pangako na patuloy na isulong ang serbisyong pang kalusugan, pagkakaisa, at mas matatag na komunidad sa mga darating na taon.
