Itinurn-over ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 4 ang water tank project ng sa mga residente ng Sitio Kahusayan, Barangay Manuel Guianga, Tugbok District, Davao City noong Agosto 15, 2025.

Makakapag-benipisyo ang nasa 80 pamilya sa naturang lugar at ito ay naging posible sa pamumuno ni Police Captain Rene A Caras, Team Leader.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga opisyal ng barangay, pinangungunahan ng Barangay Council ng Manuel Guianga, mga kinatawan ng Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni First Sergeant Jimmy Buyac, at mga tribal leaders na sina Datu Danny at Julito Diarog, kasama ang mga miyembro ng komunidad.

Ayon sa mga opisyal, ang pagkakaroon ng ligtas na suplay ng tubig ay may direktang epekto hindi lamang sa pag-iwas sa mga sakit, kundi pati na rin sa pagpapaangat ng kalidad ng buhay sa lugar.

Malaki rin ang magiging ginhawa nito lalo na sa mga kababaihan at kabataan na dati-rati ay kinakailangang maglakad ng malayo upang makakuha ng tubig.

Dahil sa proyektong ito, inaasahang mas magkakaroon ng oras ang mga residente upang mag-aral, maghanapbuhay, at aktibong makilahok sa mga gawaing pangkaunlaran ng komunidad.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagpapatupad ng Executive Order No. 70, o ang Whole-of-Nation Approach ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na layuning dalhin ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga liblib na lugar upang itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa buong bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *