Isinagawa sa City College of Cagayan de Oro, sa tulong ng lokal na pamahalaan ang 2nd Higalaay Multidisciplinary Research Festival na siyang unang International Research Conference na ginanap sa lungsod nito lamang Biyernes, ika-15 ng Agosto 2025, sa City Tourism Hall, Cagayan de Oro City.

Ang nasabing aktibidad ay may temang “Advancing Urban Development of Cagayan de Oro through Education and the RISE Agenda,” na nakatuon sa pagpapaunlad ng edukasyon at pagsuporta sa RISE Agenda ng lungsod.

Dinaluhan ito ng 47 na presenters na nagpakita ng kanilang mga research sa pamamagitan ng oral at poster presentations, kung saan nakalaan ang mga cash prizes.

Kabilang din sa mga tagapagsalita ang mga plenary speakers mula sa Indonesia, Cambodia, at USA.

“Ito ay isang pagdiriwang ng kaalaman, layunin, at pangitain,” ani City College President Dr. Jestoni Babia sa kanyang pambungad na mensahe sa mga panauhin at kalahok.

Samantala, ipinahayag ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, sa pamamagitan ni City Administrator Atty. Roy Hilario Raagas, ang kanyang pasasalamat sa City College sa pagsasagawa ng kaganapan na hindi lamang nagpapakita ng husay sa akademya, kundi nagsisilbing tulay patungo sa mas malalaking oportunidad.

Layunin nitong ipakita ang mga makabagong pag-aaral at maging plataporma para sa pagbabahagi ng mga natuklasang kapakinabangan para sa kaunlaran ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *