Idinaos ang People’s Day sa pangunguna ni Mayor Klarex Uy, sa Barangay Dansolihon, Cagayan de Oro City nito lamang ika-18 ng Agosto 2025.

Ang naturang programa ay nilahukan ng City Health Office, City Social Welfare and Development Department at iba pang mga sangay ng gobyerno.

Mahigit 574 benepisyaryo ang nabigyan ng serbisyo tulad ng medical consultation, eye care program, dental care services, medicine distribution at iba pa.

Layunin ng programa ang mabigyang tulong at mabigyang serbisyo ang mga nangangailangan sa naturang komunidad.

“Personal kong haharapin, pakikinggan at aaksyunan ang iba’t ibang reklamo o problemang idinulot sa akin ng ilang tao sa People’s Day”, ayon kay Mayor Uy.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *