Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony sa itatayong bagong gusali ng Barira Municipal Police Station sa Barangay Lipawan, Barira, Maguindanao del Norte nito lamang Agosto 19, 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region at dinaluhan din ni Hon. Abdul Rauf D. Tomawis, Municipal Mayor ng Barira, Brgy Officials, katuwang ang BFP at iba pang personahe ng Maguindanao Del Norte Police Provincial Office.
Ang bagong istasyon ay magsisilbing sentro ng mga gawaing nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong munisipalidad ng Barira.
“Ang istasyon na ito ay hindi lamang isang gusali, ito ay simbolo ng aming pangako sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Barira.” ani ni RD De Guzman.

