Sumuko ang 23 aktibong miyembro ng Violent Extremists (FVEs) sa mga awtoridad sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur nito lamang ika-26 ng Agosto 2025.
Nabatid na agad na nakatanggap ang mga sumuko ng Cash Assistance, dalawang Traktor, 42 na sakong bigas, dalawang agricultural sprayer mula sa Alkalde ng bayan ng Mamasapano, Maguindanao del Sur.


Isinuko ng mga Violent Extremists ang kanilang mataas na armas kabilang ang dalawang (2) M79 (HM), tatlong (3) Garand, dalawang (2) M14 Rifle, dalawang (2) RPG, apat (4) Cal 30, isang (1) KG9, isang (1) M653, isang (1) Carbine, tatlong (3) 60mm mortar, isang (1) 81mm mortar at isang (1) Garand na na-convert sa M14 rifle.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa lahat ng miyembro at tagasuporta ng teroristang grupo na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.