Narekober ang tinatayang P3.3 milyong halaga ng mga puslit na yosi sa ikinasang operasyon ng mga otoridad noong Lunes, Agosto 25, 2025 sa Kinuskusan Border Control Point, Bansalan, Davao del Sur.

Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Arnel” at “Ramer”, na nahuli habang nagbibyahe ng mga sigarilyong walang kaukulang graphic health warning label at lumabag sa Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law.

Narekober ang 128 master cases ng puslit na yosi na may brand na Cannon, Greenhills, at Bravo, isang Isuzu Van at isang cellphone.

Ang PNP ay solido sa adhikain na tuldukan ang iligal na aktibidad sa komunidad na nakaka-apekto ng kalusugan ng mamamayan at hadlang sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *