Tiklo ang dalawang inidibwal at nasabat ang P2.7 milyong halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Nituan, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-26 ng Agosto 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ben”, 45 taong gulang, residente ng Jolo, Sulu at alyas “Roland”, 47 taong gulang, residente ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Nasamsam mula sa mga suspek ang kabuuang 150 kahon ng puslit na yosi na kinabibilangan ng 30 kahon ng Fort at 120 kahon ng Berlin na tinatayang nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Patuloy pa rin ang malalim na imbestigasyon ng PNP para mapanagot ang nasa likod ng pagpuslit ng naturang yosi.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *