Isinagawa ang Unity walk, Interfaith Rally and Peace Covenant upang maging ligtas at mayapa ang papalapit na 1st BARMM Parliamnetary Elections sa Brgy. Simuay Sultan Kudarat Maguindanao del Norte nito lamang ika-26 ng Agosto 2025.

Ito ay personal na dinaluhan Atty. Mohammad Nabil Mutia, Provincial Election, Supervisor, SGA katuwang si Police Brigadier General Jayzen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region; Philippine Army; Bureau of Fire Protection; Philippine Marines at Local Government Unit ng naturang lalawigan.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga tumatakbong kandidato para sa lokal na posisyon, mga lider ng komunidad, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong maitaguyod ang mapayapa at maayos na halalan sa darating na eleksyon sa rehiyon.

Naging pangunahing bahagi ang Peace Covenant sa naturang aktibidad, kung saan nangako ang mga kandidato na magpapanatili ng kapayapaan, igagalang ang resulta ng eleksyon, at iiwas sa paggamit ng karahasan o pananakot laban sa kanilang mga kalaban sa politika.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *