Libo-libong mga Kagay-anon at mga bisita mula sa iba’t ibang lugar ang dumagsa sa Rio de Oro Boulevard, Cagayan de Oro City nito lamang Agosto 24, 2025 upang masaksihan ang nakakaaliw na fireworks display competition.

Ang aktibidad ay isa sa mga core events at highlight ng Higalaay Festival 2025 na taon-taong ipinagdiriwang ng lungsod.

Sa nasabing kompetisyon, limang kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang nagtagisan at nagpamalas ng kanilang kahusayan sa firework display na nagbigay ng libangan at kasiyahan sa mga manonood.

Ang mga kalahok ay ang Tower Fireworks ng Cotabato City, Orient Star Pyrotechnics ng Borongan, Samar, Bojos Fireworks ng Roxas City, Spectra Illuminator ng Bacolod City, at Starmines Fireworks na mula sa Pandi, Bulacan.

Matapos ang mainit na laban, nagwagi bilang kampeon ang Tower Fireworks ng Cotabato City, samantalang 2nd placer ang Starmines Fireworks ng Pandi, Bulacan at 3rd placer ang Spectra Illuminator ng Bacolod City.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *