Ang College Education Behind Bars para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) Ay bubuksan na ngayong Pebrero ng Davao Prison and Penal Farm sa lungsod ng Panabo, Davao del Norte.
Mapapakinabangan na ng mga persons PDLs ang bagong tayong College Education Behind Bars (CEBB) sa loob ng Davao Prison and Penal Farm sa City of Panabo, Davao del Norte.
Nabatid na entrepreneruship courses ang iaalok sa naturang kolehiyo at ang gusali ay ginastusan ng P30 milyon. May dalawang silid-paaralan na inilaan para sa SETBI at may 38 PDLs na nag-enroll na para sa kursong BS Entrepreneruship. May isang PDL naman ang nag-enroll sa kursong BS Agriculture Technology.
Bukod dito, may Senior High School din na nag-enroll, 40 sa Grade 11 at 10 sa Grade 12.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang nagsimula ang konstruksyon sa gusali noong 2019 mula sa pondo ng Dangerous Drugs Board (DDB), Commission on Higher Education (Ched) at donasyon sa pamamagitan ng Social Entrepreneurship Technology and Business Institute (SETBI).
Dagdag pa ni Catapang, nakipag-ugnayan sa kawanihan ang SETBI noong 2019 para makapag-alok ng “innovative education program” at nagkaroon pa ng memorandum of agreement sa pagitan ng naturang NGO, dating DDB Secretary Catalino Cuy at dating Bureau of Correction Chief Senator Dela Rosa.
Ang layunin ng programang ito ay magbibigay daan sa pagsibol ng bagong simula at pag- asa. Ito ay magandang pagkakataon para sa mga PDLs na magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo at mapagkalooban ng college diploma upang maging handa sa kanilang paglaya kapag natapos na nila ang kanilang sentensya.