General Santos City- Tinatayang nasa P11 milyong halaga ng itlog at gatas ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at LGU-GenSan sa ginanap na Supplementary Feeding Program (SFP) sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang Enero 17, 2024.

Nanguna si GenSan City Mayor Lorelie Pacquiao sa pamamahagi ng mga gatas at itlog bilang counterpart ng LGU sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng DSWD.

Kinumpirma naman ng alklade na aabot sa mahigit 9,000 bata mula sa 234 Day Care Centers ang naging benepisyaryo ng naturang programa.

Bukod sa mga pinamahaging gatas at mga itlog sa mga kabataan, naghanda rin ang nasabing ahensya ng libreng pang agahan at pananghalihan sa mga Day Care Centers ng lungsod.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang alkalde dahil patuloy paring umaarangkada ang nasabing program na naglalayong makatulong hindi lamang sa pangangalaga ng nutrisyon ng kabataan kundi upang mapagaan ang kabuhayan ng kani-kanilang mga magulang.

“Mas magiging kampante na ang mga magulang ng mga mag-aaral dahil sigurado nang hindi magugutom ang kanilang anak sa eskwela.” wika ng alkalde.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *