Idinaos ang dalawang araw na Laro ng Lahi sa pangunguna ng Gingoog City Tourism Office bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Tourism Week noong September 18, 2025.

Layunin ng naturang aktibidad na palakasin ang lokal na kultura at hikayatin ang pagkakaisa ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Lumahok ang 24 na departamento ng LGU-Gingoog sa iba’t ibang larong Pinoy gaya ng sack race, limbo rock, slipper game, tug of war, at marami pang iba.

Sa huli, itinanghal na overall champion ang Gingoog CDRRMO, habang 1st Runner-up ang GSO at 2nd Runner-up ang City Mayor’s Office.

Malaki ang tiwala ng kasalukuyang administrasyon na sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, higit na nahuhubog ang sportsmanship at camaraderie ng mga empleyado at nagiging tulay ito sa patuloy na pagbibigay ng episyente, epektibo, at buong pusong serbisyo sa mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *