Matagumpay na naitala ng Davao City ang pinakamataas na ranggo bilang Rank 1 Best City to Visit sa Pilipinas ayon sa World Travel Index (WTI) Report, na may rating na 75.48%.

Ang World Travel Index ay isang prestihiyosong sukatan na sumusuri sa mga lungsod sa buong mundo base sa kanilang kakayahan na magbigay ng magandang karanasan sa mga turista.

Sa pagsusuri ng WTI, apat na pangunahing salik ang tinutukoy upang matukoy ang pinakamahusay na destinasyon: affordability (abot-kayang gastusin), kasiyahan (fun), kaligtasan (safety), at kabuuang halaga (overall worth).

Sa mga kategoryang ito, namumukod-tangi ang Davao City dahil sa balanseng kombinasyon ng budget-friendly na mga pasyalan, masasarap na karanasan, at ligtas na kapaligiran para sa mga bumibisita.

Dahil sa mataas na marka nito sa World Travel Index, mas lalo pang inaasahan ang pagdami ng mga turista na gustong maranasan ang kakaibang ganda at hospitality ng Davao City.

Ito ay patunay na ang Pilipinas ay may mga lugar na hindi lamang maganda kundi sulit at ligtas din para sa mga manlalakbay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *