Masusing ininspeksiyon na pinangunahan ni Gobernador Edwin I. Jubahib, MMPA ang Davao del Norte Special Infrastructure Inspection Team (DDN SIIT) sa mga pangunahing proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan noong Setyembre 24, 2025.
Kasama sa team ang mga kinatawan mula sa DPWH, DILG, AFP, PNP, at iba pang lokal na opisina at civil society groups.



Layunin ng inspeksiyon na suriin ang progreso, tiyakin ang pagsunod sa mga plano, at masigurong kalidad ang mga imprastruktura tulad ng kalsada, tulay, at flood control projects.
Binigyang-diin ni Gobernador Jubahib, ang kahalagahan ng inspeksiyon bilang bahagi ng commitment ng lalawigan na pangalagaan ang pondo at tiyaking nagdudulot ng benepisyo ang mga proyekto sa mga mamamayan.
Ang mga resulta ng inspeksiyon ay gagamitin upang maiwasan ang pagkaantala at mapabuti ang pagpapatupad ng mga proyekto sa hinaharap, na naglalayong itaguyod ang sustainable development sa Davao del Norte.