Tampok sa Bagobo at Muslim-Tausug Expo 2025 ang pagkakaisa at kultura na ipinakita ni Police Colonel Mannan C Muarip, Acting City Director ng Davao City Police Office na ginanap sa Barangay Sirib Gymnasium sa Calinan District bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-43 Araw ng Barangay Sirib, Davao City noong Setyembre 25, 2025.

Ang naturang expo ay naglalayong ipakita ang mayamang kultura at tradisyon ng mga komunidad ng Bagobo at Muslim-Tausug, pati na rin ang pagkakaisa ng mga ito.

Sa kanyang pagdalo, pinatibay ni PCol Muarip, ang pangakong pagbibigay halaga ng pulisya sa inklusibong pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang grupo sa komunidad.

Bukod sa mga makukulay na tradisyunal na pagtatanghal at mga likha ng lokal na sining, nagsilbi ang expo bilang isang mahalagang pagkakataon para sa bukas na dialogo at pagtutulungan sa pagitan ng pulisya at ng mga mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *