Umarangkada ang “OPLAN KKK” (Kaagapay, Kalinaw ug Kalambuan) nito lamang Setyembre 26, 2025 sa Gymnasium ng Barangay Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte.

Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang aktibidad, katuwang ang mga opisyal mula sa Brgy. Sto. Niño at Brgy. Dagohoy, mga personnel mula sa Davao del Norte Police Provincial Office at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng OPLAN KKK na mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga malalayong komunidad upang masigurong walang naiiwan sa layunin ng kaunlaran at kapayapaan.

Sa kabuuan, humigit-kumulang 600 residente mula sa iba’t ibang bahagi ng Talaingod ang nabenepisyuhan ng programa.

Kabilang sa mga serbisyong inialok ay ang libreng gupit na isinagawa ng mga PNP personnel, na nagsagawa rin ng seguridad sa lugar upang matiyak ang kaayusan.

Bukod dito, mayroong libreng medikal at dental check-up, pamimigay ng libreng gamot, HIV screening, libreng legal na konsultasyon, pamamahagi ng punla ng prutas, at pamimigay ng tsinelas at bag para sa mga bata.

Ang programang ito ay isa lamang sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan, katuwang ang kapulisan at iba pang ahensya, upang maipadama sa mga mamamayan na ang gobyerno ay patuloy na tumutugon sa kanilang pangangailangan, lalo na sa mga liblib at Indigenous People (IP) communities.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *