Isinagawa ang Press Presentation of Surrendered ASG Supporters and Turn-Over of Firearms, Ammunition, and Explosive sa Multi-Purpose Hall ng Camp Batalla, RT Lim Boulevard, nito lamang Setyembre 26, 2025.
Sa nasabing programa, ito ay may layuning ipakita sa publiko ang 10 indibidwal na sumuko mula sa hanay ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ceremonial turn-over ng mahigit 32 piraso ng iba’t ibang uri ng armas, bala, at pampasabog.

Layunin ng aktibidad na tulungan at gabayan ang mga dating sumusuporta sa armadong kilusan upang makapagsimula muli at maging produktibong mamamayan.
Dumalo at nagbigay ng kani-kanilang suporta ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Cooperative Development Authority (CDA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), PhilHealth, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang sa mga tulong na ibinigay ang pangkabuhayan, serbisyong pangkalusugan, pagsasanay, at iba pang programa para sa kanilang pagbabalik-loob sa lipunan.

Binigyang-diin ni Brigadier General Eleazar P Matta, Regional Director ng Police Regional Office 9, na ang hakbang na ito ay patunay na posible ang pagbabago kung may bukas na puso at pagtutulungan upang tuluyang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.