Isinagawa ang send-off ceremony para sa pagpapatupad ng seguridad sa inaabangan na Zamboanga Hermosa Festival 2025 sa Quadrangle, Don Pablo Lorenzo Street, Zamboanga City nito lamang Setyembre 27, 2025.
Binigyang-diin ni Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr., City Director ng Zamboanga City Police Office, na ang festival ay hindi lamang simpleng pagdiriwang, kundi isang pagpupugay sa makulay na kultura, pagkakaiba-iba, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Zamboanga.

Kanyang ipinaalala sa lahat ng contingents na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay sama-samang tungkulin upang makamit ang layuning magkaroon ng zero-incident festival ngayong taon.

Pinasalamatan din ng opisyal ang malaking papel na ginagampanan ng mga force multipliers at binigyang-pugay ang kanilang dedikasyon at kusang-loob na paglahok upang tumulong sa seguridad ng lungsod.

Ang mga kasundaluhan, kapulisan at iba pang law enforcement agency ay sinisiguro na ang lahat ng makikisaya, turista man o lokal ay walang dapat na ipangamba mula umpisa hanggang matapos ang festival sapagkat anjan naka-alerto at maaasahan sa anumang uri at oras ng pangangailangan.