Isinagawa ang Medical and Outreach Program ng mga tauhan ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office sa mga kabataan at mga residenteng lubos na naapektuhan ng pagbaha dulot ng pag-ulan at bagyo sa Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao del Sur nito lamang Setyembre 28, 2025.
Ang naturang aktibidad ay naging inisyatibo ni Police Colonel Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, katuwang ang RMDU PRO BAR, PMDU Maguindanao, Project Tabang BARMM, at Rural Health Unit ng Guindulungan.



Hatid sa mamamayan ang libreng medical at dental check-up, Libreng Tuli, pamamahagi ng libreng gamot at food packs, at pagtuturo ng tamang paraan ng pagsisipilyo sa mga kabataan.
Pinapakita sa aktibidad na ito ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pagtutulungan ng komunidad at iba pang ahensya ng pamahalaan tungo sa pagkamit ng kaayusan at kaunlaran.