Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Davao de Oro Former Rebels Association nito lamang Setyembre 28, 2025.
Ito ay muling kinilala at pinuri ni Governor Raul Mabanglo, ang matapang at makabuluhang desisyon ng mga dating rebelde na talikuran ang karahasan at yakapin ang mapayapang pamumuhay.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng gobernador ang kahalagahan ng kapayapaan bilang pundasyon ng kaunlaran, at ang papel ng mga dating rebelde sa pagtataguyod nito.
Ipinahayag rin niya ang buong suporta sa asosasyon at tiniyak na mananatili itong kaagapay sa pagbibigay ng mga programang makatutulong sa muling pagbangon ng kanilang kabuhayan.
Ang unang anibersaryo ng asosasyon ay naging makasaysayang selebrasyon ng pagbabago at pagkakaisa.
Ito ay simbolo ng bagong pag-asa — hindi lamang para sa mga miyembro ng grupo kundi para sa buong lalawigan ng Davao de Oro.